Ako ay si Lea Launio  Espinile isinilang noong Pebero 03, 1995 sa Brgy. San Marcos San Pablo  City. Ang aking ama aysi Virgilio Bondad Espinile at ang aking ina naman  ay si Thelma Launio Espinile. Kami ay dalawa lamang na magkapatid.  Tatlo daw sana kami ngnit sa hindi inaasahang pangyayari ay naagasan ang  aking mama sa una niyang pagbubuntis kaya naging panganay ang aking ate  na si Ma. Aileen Launio Espinile. Isang taon lang ang pagitan ng  isilang ako bilang bunso.
  | 
| Ako noong 3 yrs.old  |  
 | 
                   Tatlong  taong gulang ako ng mag-umpisang aalagaan ni mama ang isa kong pinsan  dahil ang ina nito ay nangibang bansa upang mabigyan ng magandang  kinabukasan ang kanyang anak. Nagkasakit ang pinsan kong ito ng dengue  ganun din kami ni ate kaya naman nagkasabay-sabay kaming naconfine sa  isang pampublikong ospital sa Manila. Isang linggo ang itinagal namin  doon bago muling nakauwi.
  | 
| ayan ako nung bata pa.. |  
 |  
 | 
                     Nagsimula akong mag-aral sa Mababang Paaralan ng Elementarya ng San  Marcos noong ako ay limang taong gulang pa lamang. Bukod sa pagtuturo ng  aking magulang, ay dito rin sa paaralan ako natutong bumilang, bumasa  at sumulat ganun na rin ang mga magagandang asal. Halos lahat ng baitang  sa elementarya ay nakatanggap ako ng award at medalya maliban lamang  noong ako ay Grade II. Noong Kindergarten ako inilaban kami sa isang  paligsahan sa larangan ng sayawan sa Sta. Cruz Laguna. Sa patimpalak na  ito ay kami ang itinanghal na panalo. At nung Graduation Day na ng  Kindergarten ay nakamit ko ang award na Most Behave at 3rd honor at  ganun din nung Grade I. Nawala naman ako sa pagiging top student noong  Grade II. Kinausap ako ng aking adviser at sinabi na hindi na muna ako  isasama sa top list dahil may ipapalit daw muna sakin. Kahit na masama  ang loob ko ay tinanggap ko na rin iyon dahil wala naman akong magagawa.  Hindi ako nawalan ng pag-asa noon at dahil nga sa kagustuhan kong  mapasama ulit sa top ay mas pinagbuti ko pa ang aking pag-aaral kaya  naman naging 3rd honor ulit ako noong Grade III. Ngunit sa kabila ng  pagsusumikap at pagpupursige ko noon, naging 3rd honorable mention na  lang ako noong Grade IV sa hindi ko nalalamang dahilan. Siguro ay dahil  sa nabawasan ang interes ko sa pag-aaral sa mga panahong iyon at ito ay  nagtuloy-tuloy noong Grade V. Dito ako nag-umpisang sumali at matuto ng  sport ng Volleyball. Todo suporta sa akin noon ang aking mga magulang.  at sa tuwing kami ay aawas sa hapon, ay lagi na akong umaattend ng aming  training. Dahil dito, lalo kong napabayaan ang aking pag-aaral. Naging  special mention na lang ako noong Grade V. Grade VI, ito ang most  unforgettable year sakin sa pag-aaral ko sa Elementarya. Isa na akong  ganap na manlalaro ng Del Remedio at nang lumaban kami sa Division Meet  ay nakuha namin ang 1st place. Isa rin ako sa napiling makakasama sa  Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association o STCAA sa Batangas  Sports Complex. Sampung araw kaming namalagi sa Brgy. ng Bolbok sa  Batangas. Mahirap din dahil malayo sa pamilya pero ang sayang idinulot  nito sa amin ay walang mapagkukumparahan. Nang dumating ang araw ng  aming pagtatapos  ay nakatangggap ako ng tatlong medalya. Isa para sa  pangkalahatan, sa pagiging kampeon ng manlalaro at ang isa naman ay para  sa aking award bilang 2nd special mention.
  | 
| Ayan ako nung grade 6 |  
 | 
                 
                        Taong 2007 nang pumasok ako sa Paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National  High School para sa ikalawang antas ng aking pag-aaral. Nakakpanibago  sa una pero habang tumatagal ay nasasanay din. Nagkaroon ako ng mas  madaming kakilala at mga kaibigan. Noong 1st year hanggang 3rd year, ako  ay nasa pangalawa sa pinakamataas na section. Hinikayat ako na  mag-player muli sa paaralan ng Dizon at dahil sa kagustuhan ko rin ay  muli ko itong pinagpatuloy hanggang 2nd year. Mas mahirp ang  pagtetraining namin doon dahil walang covered court kayat lagi kaming  nabibilad sa initan. Pero kahit ganun ay ayos lang dahil masaya naman at  mahal ko ang paglalaro ng Volleyball. Maraming activities ang naranasan  namin noong 1st at 2nd year tulad na lang ng Ibong Adarna at Florante  at Laura. Kalimitan ng naging resulta noon ay chanpeon. Noong 3rd year  naman, medyo naging mahirap para sa akin ang taong ito dahil bukod sa  hindi na ako pinayagang makapagplayer pa ay nagkaroon din ako ng isang  problema na sumubok sa akin. Dahil dito, nawalan na talaga ako ng  interes sa pag-aaral at iisa na lang ang iniisip kong dahilan ng aking  pagpasok. Iyon ay ang makita Siya. Dahil din sa sitwasyong iyon, ramdam  ko na sobrang nadiappoint sakin sina mama, papa at ate. Simula noon ay  haindi na nila ako masyadong pinapansin. Nawala ang aming masasayang  kwentuhan tuwing gabi at hindi na rin ako nakakasabay kumain dahil  nahihiya akong humarap sa kanila. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok  na iyon  masaya pa rin ako dahil nakilala ko ang taong iyon at napamahal  na ako sa kanya ng sobra. At sa kagustuhan ko rin namang maibalik ang  dating samahan ng aming pamilya ay nagsumikap ako upang muling bumalik  ang tiwala nila sakin. Medyo natagalan pero naging maayos din naman ang  lahat. Ang masamang karanasan kong iyon ay nagdulot din ng masama sa  aking pag-aaral. Bumaba ako ng section kayat ako ay napapunta sa section  B. Ok din naman dahil ang mga bago kong kaklase ay katulad din ng mga  kaklase ko sa nakasanayan kong section, ang A. Mababait, masayang  kasama, nagkakaisa at laging naririyan sa tuwing may nangangailangan.  Ang ilan ay naging kaklase ko na rin pero ang iba naman ay bago ko pa  lang nakilala. Sobrang saya ng naging buhay 4th year ko dahil  sinusuportahan na muli ako ng aking pamilya pati na rin ang aking mga  kaklase lalong lalo na ang aking mga kaibigan na laging naririyan upang  ako ay pasayahin, gabayan at unawain. Ang isa pa, pinayagan na ulit ako  magplayer nina mama at papa. Hindi ko talaga iyon inaasahan kayat  masayang-masaya ako ng bigyan ulit nila ako ng pagkakataong makasali sa  larangan ng sport, ang Volleyball. Hindi ko rin inaasahan na gagawin  akong captainball ng aming Coach. Hindi man kami nakatanggap ng award  pero alam ko na ibinigay ko ang lahat ng aking makakaya.      
  | 
| ayan naman ako nung dalaga na ! |  
 | 
  | 
| 4th yr ako niyan ;) |  
 | 
                         Iilang araw na lang ay nalalapit na ang aming pagtatapos sa sekondarya.  Panibagong pakikisalamuha na naman ang aming haharapin pero ayos lang  dahil parte talaga ito ng buhay ng bawat tao. Masarap tumuntong sa stage  at tumanggap ng diploma na aming pinaghirapan pero nakakalungkot din  dahil magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaklase. Ang dating masasayang  pagsasama ay mananatili na lang sa isang alaala. Sanay maging masaya ang  natitirang mga araw bago kami tuluyang mawala sa Paaralang Dizon at  sana ay maging matagumpay kaming lahat sa aming magiging career sa  darating pang panahon.
 
Bitch Liar
ReplyDelete