Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Alfredo C. Lopez Jr.

Karamihan sa inyo ay hindi alam ang aking pagkatao at hindi alam ang aking pinanggalingan at pinag mulan. Kaya ngayon ilalahad ko sainyo ang aking istorya. Istorya kung saan makikilala niyo ako at ang aking buong pagkatao.
Ako ay nagmula sa hindi kayamanang pamilya, may kaya ngunit hindi nasusunod ang layaw. Noong Disyembre 28 1994, nagsilang ng lalaking anak si “Alfredo B .Lopez Sr” at si “Marivic C.Lopez,” ito ay si “Alfredo C.Lopez Jr,” ito ang kauna-unahang anak nilang lalaki matapos silang magsilang ng apat na babae. Ipinanganak ako sa bahay ng aking lola. Isinunod nila ang pangalan ko sa ama ko, at ang ina ko ang may gusto nito.
Kapatid ko sina “Michelle Anne C.Lopez”, panganay sa aming magkakapatid, sumunod ang aking kapatid na si “Mary Grace C.Lopez”, pangalawa at si “Marjorie C.Lopez” ang pangatlo. Sa kasamaang palad ay namatay ang isa kong kapatid na si “Alma”, pagka-anak sa kanya. Pero gaya ng sabi ni kuya kim ang buhay ay weather weather lang kaya patuloy pa rin ang buhay para sa amin. Ang ama ko ay isang security guard sa kilalang kumpanya ang PLDT sa San Pablo Laguna. Ang ina ko naman ay isang sales representative ng ibat-ibang produkto. Pero kahit na ganun maayos nilang binubuhay kami ng aking mga kapatid.
Ako noong ako ay 5 taong gulang pa lamang..
Ako ay nag-aral sa San Agusti Elementary School, nag-aral ako dito ng walong taon. Dito ako nag Kinder Garten at nag Day Care Center. Nang ako ay maging Grade 1 marami akong batang nakasalamuha. Ibat-ibang pagkatao at estado sa buhay. Naging Honor Student ako noon at masayang masaya ako. Nang ako ay tumungtong ng Grade 2, gaya ng dati ibat-ibang tao ang nakita ko, dahil sa ako ay Honor Student sinikap ko ng magulang ko na matustusan ang pag-aaral ko. Masaya na naman ako dahil naging  Honor Student ulit ako, at pinagmamalaki ako ng magulang ko. Nang tumungtong naman ako ng ikatlong baitang, nagging pabaya ako sa aking pag-aaral, napabaling ako sa paglalaro kaya ng lisanin ko ang grade 3 naging achiver lang ako. Patuloy pa rin nababaling ang atensyon ko sa paglalaro, pag umuuwi ako  sa amin imbis na mag aral ay patuloy pa rin ang pagkahumaling ko sa paglalaro.
noong ako ay anim na taong gulang
Nang tumungtong naman ako sa ika-apat na baitang ay unti-unting nawala ang aking pangalan sa listahan ng Honor Student , madalas hindi na rin ako nagawa ng takdang aralin  pati na rin ang mga proyekto. Hindi naglaon hindi na ako napasama sa mga honor student. Nang nagging grade 4 naman ako ay nag aral ako ng mabuti, ngunit hindi sapat iyon para makasama muli sa listahan ng matatalino, marami sa mga kaklase ko ang nag sipag aral kaya napag iwanan ako. Gaya ng dati hindi pa rin ako nakasama sa honor student. Kahit na ganun hindi ako sumuko, nag aral pa rin ako ng mabuti, sumasali din ako sa mga extra curricular activities n gaming school. Mataas ang nakukuha kong marka ngunit hindi sapat iyon para makasama muli sa  honor student n gaming klase. Kaya ng magtapos kami ng grade school hindi pa rin ako nakasama sa mga honor student ng Batch 2006-2007 ng San Agustin Elementary School.
Pumasok ako ng sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National Hgh School (CLDDMNHS) sa kadahilanang dito rin napasok ang aking mga kapatid na panganay. Gusto ng ina ko naisama ako sa Science Section ngunit sabi nila mabaa ang grado ko. 85 and above ang average dapat upang makasama ka sa sectiong ito, ngunit ang aking average ay 83 lamang kaya napasama ako sa seksyon “B”. Noong unang araw ng klase, naghahanap ko ng mga bagong kaibigan na makakasama ko buong araw ngunit madalas akong nag-iisa. Madalas ring iniintay ko ang aking mga kapatid upang sabay-sabay na kaming umuwi, pero madalas kaming ginagabi dahil officer ang mga kapatid. Hindi naglaon ay nakatagpo din ako ng mga kabarkada at nagging kasa-kasama ko.  Nang tumungtong na ako ng ikalawang antas ng sekondarya hindi nagging madali sa akin, dahil akla ko magkakahiwalay kami ng mga kabarkada ko. Ngunit sa awa ng Panginoon hindi naman nangyari dahil halos lahat sa amin ay hindi napalipat ng seksyon. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, asang pagsubok ang dumatig sa aking pamilya. Naaksidente ang aking ama, sakay ng motorsiklong kanyang minamaneho. Naospital ito ng matagal, inoperahan at hindi nakapasok sa trabaho ng mahabang panahon. Hindi alam ng ina ko kung saan kukuha ng pera pang bayad sa ospital at pang tustos sa pang araw araw naming pangangailangan. Salimbayan ang aking ina pangungutang para may maipambayad sa ospital. Naranasan ko na rin ang magtrabaho upang makatulong sa mga magulang ko. Tinutulungan kong mamigay ng PLDT Bill ang aking ina upang makaipon ng pera. At sa awa ng Diyos ay nalampasan naming ang napakatinding pagsubok ng aming pamilya.
Unti-unti ay nakarekober kami sa pangyayari at nakapag trabaho na din ang aking ama. Ngunit baon pa rin kames a utang. Madalas akong napasok sa school ng bente pesos lang ang dala kahit alam ko na sa pamasahe lang ito kakasya. Pero kahit na ganun pursigido pa rin akong makapagtapos ng pag-aaral
Nang ako naman ay maging 3rd yr. seksyon “B” pa rin ako at masayang masaya ako dahil mga bagong estudyante na naman ang makikilala ko. Kahit na madalas kaming pagalitan ng aming titser dahil sa labis na kaingayan ay masaya pa rin kaming magkakaklase. Dahil sa nagging officer ang mga kapatid ko napagdesisyonan ko na mag volunteer upang maging officer din balang araw. Hindi nagging madali ang pagiging volunteer, madalas kang naglilinis at inuutusan ngunit ayos lang dahil nakatutulong ka naman. May mga pagsasanay rin tulad ng drill tuwing umaga para masanay sa pag lalakad  at matuto ng asal ng isang officer. May mga lecture din na tinuturo sa amin at marami pang iba. At pag dating ng buwan ng pebrero tinturuan ka ng tamang paghawak ng rifle. Naging masaya  ang pagiging volunteer ko dahil madami akong nakasama at bagong nakilala, bukod dito ay meron pang mga activities sa hapon.
Pag dating naman ng buwan ng abril nagkakaroon ng pagsasanay hindi lamang sa pisikal kundi mental na kakayahan at pagkatapos ng lahat ng ito ay ginawaran ako ng sertipiko na nagpapatunay na ako ay nagsanay para maging isang officer. Binigyan rin  ako ni Sir Marfori ng rank and designation base sa aking kakayahan at ng aking ipinamalas.

larawan ko nang ako ay highschool na .

Nang maging fourth year naman ako ay ‘B” pa rin ako at masaya ako dahil kaklase ko ulit ang mga kabarkada ko at bukod dun officer na ako. 1ST Batallion S3 ako ngaun aat masaya ako dahil napapunta ako sa designation na ito kahit na hindi ito ang inaasahan ko. Medyo nagging sikat din ako dahil sa pagiging officer ko, maraming nabati sa akin kahit ung iba ay di ko kilala. At ngaung malapit na akong magtapos mas pursigido akong mag-aral. Dahil na rin sa kagustuhan kong makatapos ng kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho.
Lahat ng ito ay mga karanasan at pangyayari sa buhay ko. Mga kwento hango sa tunay na buhay ng pagkatao ko. Istorya na kahit kalian ay hinding hindi ko makakalimutan. Salamat sa mga nagging parte ng buhay ko.
My Photo
Larawan ng aking ka grupo.

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Lea Espinile

                  Ako ay si Lea Launio Espinile isinilang noong Pebero 03, 1995 sa Brgy. San Marcos San Pablo City. Ang aking ama aysi Virgilio Bondad Espinile at ang aking ina naman ay si Thelma Launio Espinile. Kami ay dalawa lamang na magkapatid. Tatlo daw sana kami ngnit sa hindi inaasahang pangyayari ay naagasan ang aking mama sa una niyang pagbubuntis kaya naging panganay ang aking ate na si Ma. Aileen Launio Espinile. Isang taon lang ang pagitan ng isilang ako bilang bunso.

Ako noong 3 yrs.old 
                   Tatlong taong gulang ako ng mag-umpisang aalagaan ni mama ang isa kong pinsan dahil ang ina nito ay nangibang bansa upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak. Nagkasakit ang pinsan kong ito ng dengue ganun din kami ni ate kaya naman nagkasabay-sabay kaming naconfine sa isang pampublikong ospital sa Manila. Isang linggo ang itinagal namin doon bago muling nakauwi.

ayan ako nung bata pa..

                    Nagsimula akong mag-aral sa Mababang Paaralan ng Elementarya ng San Marcos noong ako ay limang taong gulang pa lamang. Bukod sa pagtuturo ng aking magulang, ay dito rin sa paaralan ako natutong bumilang, bumasa at sumulat ganun na rin ang mga magagandang asal. Halos lahat ng baitang sa elementarya ay nakatanggap ako ng award at medalya maliban lamang noong ako ay Grade II. Noong Kindergarten ako inilaban kami sa isang paligsahan sa larangan ng sayawan sa Sta. Cruz Laguna. Sa patimpalak na ito ay kami ang itinanghal na panalo. At nung Graduation Day na ng Kindergarten ay nakamit ko ang award na Most Behave at 3rd honor at ganun din nung Grade I. Nawala naman ako sa pagiging top student noong Grade II. Kinausap ako ng aking adviser at sinabi na hindi na muna ako isasama sa top list dahil may ipapalit daw muna sakin. Kahit na masama ang loob ko ay tinanggap ko na rin iyon dahil wala naman akong magagawa. Hindi ako nawalan ng pag-asa noon at dahil nga sa kagustuhan kong mapasama ulit sa top ay mas pinagbuti ko pa ang aking pag-aaral kaya naman naging 3rd honor ulit ako noong Grade III. Ngunit sa kabila ng pagsusumikap at pagpupursige ko noon, naging 3rd honorable mention na lang ako noong Grade IV sa hindi ko nalalamang dahilan. Siguro ay dahil sa nabawasan ang interes ko sa pag-aaral sa mga panahong iyon at ito ay nagtuloy-tuloy noong Grade V. Dito ako nag-umpisang sumali at matuto ng sport ng Volleyball. Todo suporta sa akin noon ang aking mga magulang. at sa tuwing kami ay aawas sa hapon, ay lagi na akong umaattend ng aming training. Dahil dito, lalo kong napabayaan ang aking pag-aaral. Naging special mention na lang ako noong Grade V. Grade VI, ito ang most unforgettable year sakin sa pag-aaral ko sa Elementarya. Isa na akong ganap na manlalaro ng Del Remedio at nang lumaban kami sa Division Meet ay nakuha namin ang 1st place. Isa rin ako sa napiling makakasama sa Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association o STCAA sa Batangas Sports Complex. Sampung araw kaming namalagi sa Brgy. ng Bolbok sa Batangas. Mahirap din dahil malayo sa pamilya pero ang sayang idinulot nito sa amin ay walang mapagkukumparahan. Nang dumating ang araw ng aming pagtatapos  ay nakatangggap ako ng tatlong medalya. Isa para sa pangkalahatan, sa pagiging kampeon ng manlalaro at ang isa naman ay para sa aking award bilang 2nd special mention.
Ayan ako nung grade 6
                
                        Taong 2007 nang pumasok ako sa Paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School para sa ikalawang antas ng aking pag-aaral. Nakakpanibago sa una pero habang tumatagal ay nasasanay din. Nagkaroon ako ng mas madaming kakilala at mga kaibigan. Noong 1st year hanggang 3rd year, ako ay nasa pangalawa sa pinakamataas na section. Hinikayat ako na mag-player muli sa paaralan ng Dizon at dahil sa kagustuhan ko rin ay muli ko itong pinagpatuloy hanggang 2nd year. Mas mahirp ang pagtetraining namin doon dahil walang covered court kayat lagi kaming nabibilad sa initan. Pero kahit ganun ay ayos lang dahil masaya naman at mahal ko ang paglalaro ng Volleyball. Maraming activities ang naranasan namin noong 1st at 2nd year tulad na lang ng Ibong Adarna at Florante at Laura. Kalimitan ng naging resulta noon ay chanpeon. Noong 3rd year naman, medyo naging mahirap para sa akin ang taong ito dahil bukod sa hindi na ako pinayagang makapagplayer pa ay nagkaroon din ako ng isang problema na sumubok sa akin. Dahil dito, nawalan na talaga ako ng interes sa pag-aaral at iisa na lang ang iniisip kong dahilan ng aking pagpasok. Iyon ay ang makita Siya. Dahil din sa sitwasyong iyon, ramdam ko na sobrang nadiappoint sakin sina mama, papa at ate. Simula noon ay haindi na nila ako masyadong pinapansin. Nawala ang aming masasayang kwentuhan tuwing gabi at hindi na rin ako nakakasabay kumain dahil nahihiya akong humarap sa kanila. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok na iyon  masaya pa rin ako dahil nakilala ko ang taong iyon at napamahal na ako sa kanya ng sobra. At sa kagustuhan ko rin namang maibalik ang dating samahan ng aming pamilya ay nagsumikap ako upang muling bumalik ang tiwala nila sakin. Medyo natagalan pero naging maayos din naman ang lahat. Ang masamang karanasan kong iyon ay nagdulot din ng masama sa aking pag-aaral. Bumaba ako ng section kayat ako ay napapunta sa section B. Ok din naman dahil ang mga bago kong kaklase ay katulad din ng mga kaklase ko sa nakasanayan kong section, ang A. Mababait, masayang kasama, nagkakaisa at laging naririyan sa tuwing may nangangailangan. Ang ilan ay naging kaklase ko na rin pero ang iba naman ay bago ko pa lang nakilala. Sobrang saya ng naging buhay 4th year ko dahil sinusuportahan na muli ako ng aking pamilya pati na rin ang aking mga kaklase lalong lalo na ang aking mga kaibigan na laging naririyan upang ako ay pasayahin, gabayan at unawain. Ang isa pa, pinayagan na ulit ako magplayer nina mama at papa. Hindi ko talaga iyon inaasahan kayat masayang-masaya ako ng bigyan ulit nila ako ng pagkakataong makasali sa larangan ng sport, ang Volleyball. Hindi ko rin inaasahan na gagawin akong captainball ng aming Coach. Hindi man kami nakatanggap ng award pero alam ko na ibinigay ko ang lahat ng aking makakaya.     
ayan naman ako nung dalaga na !

4th yr ako niyan ;)
                        Iilang araw na lang ay nalalapit na ang aming pagtatapos sa sekondarya. Panibagong pakikisalamuha na naman ang aming haharapin pero ayos lang dahil parte talaga ito ng buhay ng bawat tao. Masarap tumuntong sa stage at tumanggap ng diploma na aming pinaghirapan pero nakakalungkot din dahil magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaklase. Ang dating masasayang pagsasama ay mananatili na lang sa isang alaala. Sanay maging masaya ang natitirang mga araw bago kami tuluyang mawala sa Paaralang Dizon at sana ay maging matagumpay kaming lahat sa aming magiging career sa darating pang panahon.

Ang Talambuhay ni Charmaine Genil

         Sa buhay ng bawat isa sa atin mayroon tayong kanya-kanyang kwento o istorya na nangyari sa atin noong bata pa tayo hanggang sa kasalukuyan. May mga magaganda, masasaya at minsan mayroon din namang malulungkot na nangyayari sa ating buhay.

         Ang nanay at tatay ay nagkakilala noong mga hatskul pa sila sa paaralan ng San Pablo Colleges. Nagkailala sila dahil sa mga barkada nila at di nagtagal ay naging sila at ang kanilang pagmamahalan ay humantong sa isang kasalanan. Dito na nag-umpisa ang aking buhay.
ito ay ngaung 4th yr. 

Ako si Charmaine genil labing anim na taong gulang. Nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon MNHS at nasa ika-apat n antas pangkat B. Ako ay ipinanganak noong ika-11 ng Setyembre taong 1994. Nakatira sa Brgy. Concepcion Sabang San Pablo City. Ang aking mga magulang ay sina Charisma Genil at Erickson Genil. Kami ay tatlong magkakapatid, ako ang panganay. Ang sumunod sakin ay si Ericka Mae Genil, siyam na taong gulang at ngayon ay nasa ikaapat na baytang na. Ang aming bunso naman ay si Ervickson Genil, isang taong gulang.

sa room namin ngaung 4th yr.

         Madami na din akong pinagdaanan sa buhay ko mayroong masaya at mayroon ding lungkot. Pero mas maraming masasayang pangyayari sa buhay ko katulad na lang ng pagkakaroon ko ng magulang na katulad nina inay at tatay, dahil sa kanila kaya ako nandito sa mundo at nabubuhay bukod pa dun patuloy nila akong inaalagaan at sinusuportahan kasama ng mga kapatid ko.

         Sa paaralan ng Guerilla ElementarySchool ako pumasok simula kinder hanggang sa ika-anim na baytang ko sa elementarya. Madami din akong mga karanasan noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Ito ay ang pagsali ko sa mga activity sa aming paaralan katulad ng pagsali ko sa patimpalak at nagkaroon ako ng tropeyo noong ako aynasa unang baytang pa lang ngunit hindi na yun na ulit dahil walang mag-aasikaso sa akin. Madami akong naging kaibigan noong elementary pa ako, isa na dun ung naging bestfriend ko noong nasaika-dalawang baytang na ako. reushem ang pangalan niya. Noong nasa ika-apat na baytang na kami parang bigla nalang nawala yung pagkakaibigan namin dahil sa kanyang pinsan. Akala ko nga magiging matagal yung pagkakaibigan namin at aabot hanggang maghighschool  kami, pero ciguro kaya nasira ang pagkakaibigan namin ay dahil may dadatina at makikilala pa akong iba. Yun ay sina Christelle at Stephanie, naging kaibigan ko sila noong nasa ika-limang baytang na kami pero hindi nagtagal nagkahiwahiwalay kami. Noong grade six nakilala ko si Rissa at naging malapit kami sa isa't isa. Nagkahiwahiwalay din kami dahil magkaiba kami ng paaralang pinasukan nang kami ay tumungtong sa highschool.

         Masasabi ko sa sarili ko at sa ibang tao na masaya ang highschool life ko kesa noong elementary ako. Nasabi  ko ito dahil  mas madami akong nakilala at nakasalamuhang ibang tao na maging mabait sa akin. Sa aking unang antas abo ay nasa pangkat C. Akala ko hindi ko makakasundo ang mga kaklase, kasi natatakot ako dahil bago lang din ako tulad nila pero hindi nagtagal naging ka close ko din naman kami. Si Joana at Jiann ang una kong nakilala dahil sila ang katabi ko sa upuan noong pasukan. Akala ko hindi kami magkakasundo pero umabot ang pagkakaibigan namin hanggang ngayong nasa huling taon na kami ng highschool. Noong una tatlo lnh kami pero hindi nagtagal kami ay naging lima. Hanggang sa ngayon kami ay nananatiling magkakaibigan. Second year highschool napahiwalay ako sa kanila dahil tumaas ang aking section pero nasama pa rin ako sa kanila kaso nga lang paminsan minsan na lang. Dahil sa pagtaas ko ng section naging ka close ko sina Mary, Ate Pau, Inah, Sarrah at Charmaine Palomado. Lagi kaming magkakasama noong second year kasi hindi pa manin masyadong close yung mga bago naing mga kaklase. Hindi din nagtagal nasanay kami sa aming mga kaklase na nagmula sa section B. 
nasa oval kme kasama sina jenny,tricia at loren
sa tpat ng room ng I-SCIENCE

Akala ko din dati wala akong makakasundo dun pero meron pala at yun ay sina Tricia, Loren, Bernadette, Kim at Katrina. Sila yung nga una kong naging ka close s 2-B. Nang nasa ikatlong antas na ako doon na nagsimulang magkahiwalay kami nina Ate Pau kasi nagkaroon kmi ng bago kaibigan at doon na dumating sa buhay ko si Jeni na naging bestfriend ko at nging close pa kami nina Tricia at Loren. At ngayong nasa ikaapat na antas na ako sila Jeni, Loren at Tricia ang mga kaibigan ko. Pinag-aayos ko na rin ang aking pag-aaral kasi gusto kong makagraduate dahil madami akong gustong gawin sa buhay ko.

         Madami akong plano at pangarap sa buhay ko. Isa na dun yung makaahon kami sa hirap kasi naaawa na ako sa nanay ko, ayoko kasing masyadong nahihirapan yun. Kaya nga ako nagtitino na sa pag-aaral ko para mabigyan ko sila ng magandang buhay kasi ako ang anaasahan sa amin kasi ako ang panganay. Gusto ko rin ilipat sila ng bahay para wala nang gulo sa pamilya namin, masyado kasing madaming pakielamera sa amin kaya minsan nagkakaaway sina nanay at tatay. Buti na lang at may tiwala sila sa isa't isa kaya hindi sila nauuwi sa hiwalayan.

yan sina kat, tricia, wendy at ako
yan ay nung js this yr.2011 

Ang Talambuhay Ni Maribel Belda

             Tayong mga tao ay isang nilalang na likha ng diyos dahil sa biniyayaan tayo ng angking talino tayo daw ang pinakamataas na lalang ng diyos.Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang talambuhay may kanya-kanyang pagkakaiba at pagkakapare-pareho.Upang mas makilala natin ang isa't-isa ibabahagi ko sa inyo ang aking talambuhay.

Ito ako nung 5 taon palang.
 Ako si Maribel Oriola Belda .Labinlimang taong gulang at sa darating na ika-11 ng marso ako ay magdiriwang ng aking kaarawan sabi nga nila "sweet16"daw.Ang dalawang tao na dahilan kung bakit ako nabuhay sa mundong ito ay ang aking mga magulang na sina Macaria at Joserolito Belda.Masaya ako dahil may mga kapatid akong nag-alaga sa akin mula pa man pagkabata tatlo ang aking mga kapatid ang panganay ay si kuya randy ko at ang aking kambal na mga ate na sina maricel at Maridel.Naninirahan kame sa lugar kung saan kinalakihan ng aking ama ito ay sa Brgy.Sta.Elena Lungsod ng San pablo.

Ito ang butihin kong ina.
         Ang pangalan naming magkakapatid na babae ay sunod sa pangalan ng aming mapagmahal at maalagang ina maswerte kame kasi biniyayaan kame ng mabait na ilaw ng tahanan na tubong Lucena City ginagawa nya ang lahat para lang sa amin,sinusunod nya lahat ang aming mga gusto kaya lumaki kameng spoiled sa kanya.Pero pagdating sa aming ama sobrang disiplinado kame dahil ayaw nya na lumaki kameng walang disiplina sa sarili kaya kahit wala sya lagi sa bahay ay hindi naman sya nagkulang ng pagdidisiplina sa aming apat,katulad din sya ng aming ina sinusunod din nya lahat ang aming mga gusto pero ito ay may lilmitasyon.Dumating din sa punto na nambabae ang aming ama wala pa akong masyadong alam sa mga bagay na iyon dahil ito ay nangyari noong musmos pa lamang ako,naikwento lamang ito sa akin ng aking ina.Pero hindi naman daw ito nagtagal natigil sa pambabae ang aking ama dahil ayaw nya kameng pabayaan.
           Hanggang makalipas ang 3 taon maraming pagsubok ang dumating sa aming pamilya.Taong 2003 walong taong gulang ako noon nawalan ng magandang trabaho ang akinh ama gumuho lahat ang pangarap ng aming ama para sa aming apat tumigil sa pag-aaral ang 3 kong kapatid sina ate na nooy 3rd year high school na sana sa city high at ang aking kuya na first year collage sana sa MSC.Lubos ang panghihinayang ng aming mga kamag-anak sa aking mga kapatid tanging ako na lamang ang nag-aaral noong mga panahong iyon.Napilitang magtrabaho ang aking mga kapatid.Makalipas ang 2 taon ipinagpatuloy ng isa kong ate ang kanyang pag-aaral ang dalawa ko namang kapatid ay hindi na nagpatuloy sa pag-aaral sapagkat nawalan na sila ng interes dito.Sa 2 taon na nakalipas ay nangyari din ang problemang kinatatakutan ng aking mga magulang ang mag-asawa ang aking kua,sa edad na 21 walang magawa ang aking mga magulang kundi ipakasal ito sapagkat buntis na ang kanyang mapapangasawa.Taong 2005 ikinasal ang aking kuya kahit papaano ay naidos ito ng maayos yun nga lang naipagbili ang lupa namin na minana pa ng aking ama sa kanyang ina.Nagkaroon ang kuya ko ng anak napawi nito ang galit ng aking mga magulang sa aking kuya.Habang ang dalawa ko namang ate ay nagtrabaho upang makatulong sa aking mga magulang noong mga panahong iyon ay naging traysikel drayber ang aking ama.Taong 2008 ay nag-asawa na rin ang dalawa kong ate lubos ang panghihinayang ng aking ama't ina sapagkat wala pa raw sila sa tamang edad at wala pang nararating sa buhay pero walang magawa ang aking mga magulang sapagkat ginusto iti ng aking mga kapatid.Sa ngayon ay magiging anim na ang aking mga pamangkin 3 sa kuya ko,2sa isa kong ate at 1 sa isa ko pang ate. 
  
Ito ako nung unti-unting nagiging ganap na dalaga.
           Dumako naman tayo sa aking buhay bilang mag-aaral.Ngayong taong ito ay makakamit ko na ang aking tagumpay sa wakas ay gagraduate na ako sa high school.Marami akong pinagdaanan bago ko makamit ang aking tagumpay,isa na rito ang mga proyektong hindi ko naipapasa sa tamang oras,minsan naman ay dahil sa pininansyal na problema.

Ito ang mga kaibigan ko ang "BHABYBHEZT"
                      Marami akong naging kaibigan sa eskwelahang itinuturing kong pangalawang tahanan ito ay ang CLDDMNHS.Mga kaibigang itinuring kong oarang tunay na kapatid bumuo kami ng samahan para sa aming friendship ito ay tinawag naming "BhabyBhezt"binuo namin ito noong kame ay 3rd year high school pa lamang.binubuo anmg aming friendship ng limang masasayahing mga mag-aaral,ako si Gladys,Jennifer,Katrina at Geleein.Pero ng tumuntong kame ng 4th yr ito ay parang nabuwag sapagkat dalawa sa aming kaibigan ang napahiwalay ng antas sa amin si Jennifer Timbas at Geelein Fule ay naging 4-C samantalang kameng tatlong natira ay nanatili sa 4-b section.Nawalan kame ng panahon sa isa't-isa kaya bihira narin kame magkausap-usap.Hanggang sa ayon nagkakailangan na kame at yung ilan sa amin ay may iba ng mga kabarkada ang tanging kaibigan na kasama ko parin hanggang ngayon at hindi ako iniwan ni minsanay si Gladys naging matalik kameng magkaibigan.Wala kameng inililihim sa isa't-isa maging sa aming mga lovelife ay ipinapaalam namin sa isa't-isa nagturingan kameng parang tunay na magkapatid.

Yan ang mga kaibigan ko na di ako iniwan hanggang sa huli.
     Nadagdagan pa ng isang makulet at mapagmahal na kaibigan ang friendship namin ni gladys ito ay si joan Avorque.Tinawag naming "Bar sisters"ang aming samahan dahil ang mga apelido namin ay Belda,Avorque at Reynaldo.Masaya ako sa section na napuntahan ko dahil sa mga taong nakasama ko ng apat na taon ay lubos kong nakilala ang sarili ko.Marami akong natutunan na bagay-bagay sa mundo at ang magandang pakikitungo sa kapwa.Marami din akong naging crush sa school namin.Ngayong 4th yr ay may inadmired akong tao mabait sya at matalino pa nagmula sya sa section ng 4-science nung una ay hindi ko sya masyado napapansin dahil kaya lang naman ako lagi napapatingin sa kanya eh kamukha sya ng ex-bf ko hanggang sa di ko na namalayan na unti-unti na pala akong naiinlove sa kanya lage ko na syang hinahanap at yun nga nakilala nya ko.February 11,2011 js prom namin di ko akalain na isasayaw nya pala ako nabigla ako kasi napansin ko nalang na kinikilig na ang mga classmate ko at itinuro nga nila ang crush ko sobrang saya ko nung gabing yun at hinding-hindi ko yun makakalimutan.Ang pangalan na tinitukoy kong crush ay si Jael Mikko De Casto.
                          
            Ito ang aking talambuhay na kailan man at saan man ako magpunta ay hindi ko makakalimutan sana ay nakakuha kayo ng aral batay sa aking mga karanasan hindi lahat ng tao ay may permanenteng buhay ito'y nababago ng kapalaran na hindi natin maiiwasan .Magsikap tayong abutin ang ating mga pangarap ano mang balakid na dumating sa ating buhay..

          Maribel Oriola Belda