Karamihan sa inyo ay hindi alam ang aking pagkatao at hindi alam ang aking pinanggalingan at pinag mulan. Kaya ngayon ilalahad ko sainyo ang aking istorya. Istorya kung saan makikilala niyo ako at ang aking buong pagkatao.
Ako ay nagmula sa hindi kayamanang pamilya, may kaya ngunit hindi nasusunod ang layaw. Noong Disyembre 28 1994, nagsilang ng lalaking anak si “Alfredo B .Lopez Sr” at si “Marivic C.Lopez,” ito ay si “Alfredo C.Lopez Jr,” ito ang kauna-unahang anak nilang lalaki matapos silang magsilang ng apat na babae. Ipinanganak ako sa bahay ng aking lola. Isinunod nila ang pangalan ko sa ama ko, at ang ina ko ang may gusto nito.
Kapatid ko sina “Michelle Anne C.Lopez”, panganay sa aming magkakapatid, sumunod ang aking kapatid na si “Mary Grace C.Lopez”, pangalawa at si “Marjorie C.Lopez” ang pangatlo. Sa kasamaang palad ay namatay ang isa kong kapatid na si “Alma ”, pagka-anak sa kanya. Pero gaya ng sabi ni kuya kim ang buhay ay weather weather lang kaya patuloy pa rin ang buhay para sa amin. Ang ama ko ay isang security guard sa kilalang kumpanya ang PLDT sa San Pablo Laguna. Ang ina ko naman ay isang sales representative ng ibat-ibang produkto. Pero kahit na ganun maayos nilang binubuhay kami ng aking mga kapatid.
![]() |
Ako noong ako ay 5 taong gulang pa lamang.. |
![]() |
noong ako ay anim na taong gulang |
Pumasok ako ng sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National Hgh School (CLDDMNHS) sa kadahilanang dito rin napasok ang aking mga kapatid na panganay. Gusto ng ina ko naisama ako sa Science Section ngunit sabi nila mabaa ang grado ko. 85 and above ang average dapat upang makasama ka sa sectiong ito, ngunit ang aking average ay 83 lamang kaya napasama ako sa seksyon “B”. Noong unang araw ng klase, naghahanap ko ng mga bagong kaibigan na makakasama ko buong araw ngunit madalas akong nag-iisa. Madalas ring iniintay ko ang aking mga kapatid upang sabay-sabay na kaming umuwi, pero madalas kaming ginagabi dahil officer ang mga kapatid. Hindi naglaon ay nakatagpo din ako ng mga kabarkada at nagging kasa-kasama ko. Nang tumungtong na ako ng ikalawang antas ng sekondarya hindi nagging madali sa akin, dahil akla ko magkakahiwalay kami ng mga kabarkada ko. Ngunit sa awa ng Panginoon hindi naman nangyari dahil halos lahat sa amin ay hindi napalipat ng seksyon. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, asang pagsubok ang dumatig sa aking pamilya. Naaksidente ang aking ama, sakay ng motorsiklong kanyang minamaneho. Naospital ito ng matagal, inoperahan at hindi nakapasok sa trabaho ng mahabang panahon. Hindi alam ng ina ko kung saan kukuha ng pera pang bayad sa ospital at pang tustos sa pang araw araw naming pangangailangan. Salimbayan ang aking ina pangungutang para may maipambayad sa ospital. Naranasan ko na rin ang magtrabaho upang makatulong sa mga magulang ko. Tinutulungan kong mamigay ng PLDT Bill ang aking ina upang makaipon ng pera. At sa awa ng Diyos ay nalampasan naming ang napakatinding pagsubok ng aming pamilya.
Unti-unti ay nakarekober kami sa pangyayari at nakapag trabaho na din ang aking ama. Ngunit baon pa rin kames a utang. Madalas akong napasok sa school ng bente pesos lang ang dala kahit alam ko na sa pamasahe lang ito kakasya. Pero kahit na ganun pursigido pa rin akong makapagtapos ng pag-aaral
Nang ako naman ay maging 3rd yr. seksyon “B” pa rin ako at masayang masaya ako dahil mga bagong estudyante na naman ang makikilala ko. Kahit na madalas kaming pagalitan ng aming titser dahil sa labis na kaingayan ay masaya pa rin kaming magkakaklase. Dahil sa nagging officer ang mga kapatid ko napagdesisyonan ko na mag volunteer upang maging officer din balang araw. Hindi nagging madali ang pagiging volunteer, madalas kang naglilinis at inuutusan ngunit ayos lang dahil nakatutulong ka naman. May mga pagsasanay rin tulad ng drill tuwing umaga para masanay sa pag lalakad at matuto ng asal ng isang officer. May mga lecture din na tinuturo sa amin at marami pang iba. At pag dating ng buwan ng pebrero tinturuan ka ng tamang paghawak ng rifle. Naging masaya ang pagiging volunteer ko dahil madami akong nakasama at bagong nakilala, bukod dito ay meron pang mga activities sa hapon.
Pag dating naman ng buwan ng abril nagkakaroon ng pagsasanay hindi lamang sa pisikal kundi mental na kakayahan at pagkatapos ng lahat ng ito ay ginawaran ako ng sertipiko na nagpapatunay na ako ay nagsanay para maging isang officer. Binigyan rin ako ni Sir Marfori ng rank and designation base sa aking kakayahan at ng aking ipinamalas.
![]() |
larawan ko nang ako ay highschool na . |
Nang maging fourth year naman ako ay ‘B” pa rin ako at masaya ako dahil kaklase ko ulit ang mga kabarkada ko at bukod dun officer na ako. 1ST Batallion S3 ako ngaun aat masaya ako dahil napapunta ako sa designation na ito kahit na hindi ito ang inaasahan ko. Medyo nagging sikat din ako dahil sa pagiging officer ko, maraming nabati sa akin kahit ung iba ay di ko kilala. At ngaung malapit na akong magtapos mas pursigido akong mag-aral. Dahil na rin sa kagustuhan kong makatapos ng kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho.
Lahat ng ito ay mga karanasan at pangyayari sa buhay ko. Mga kwento hango sa tunay na buhay ng pagkatao ko. Istorya na kahit kalian ay hinding hindi ko makakalimutan. Salamat sa mga nagging parte ng buhay ko.
![]() |
Larawan ng aking ka grupo. |